Leche Flan

 

Ang Leche Flan o kilala rin sa Ingles na ang tawag ay Caramel Custard, ang karaniwang inihahanda upang magsilbing panghimagas matapos kumain sa piyesta, handaan o kahit sa pangkaraniwang araw lamang. Ito ang nagtatangal-umay at nagbibigay ng pandagdag na sarap sa kinain dahil ito ay may matamis na lasa. Ang sangkap nito ay pula ng itlog, gatas na condensada, caramelized na asukal at gatas na evaporada, upang madagdagan pa ng linamnam nito rin, maaaring lagyan ng katas ng dayap. Ang Leche Flan maaring madalas na makitang nakalagay sa llanera o platito upang ihanda sa hapagkainan.


Mga Kagamitan sa Paggawa ng Leche Flan:

  • Llanera 

    • hugis bilu-habang lalagyan upang pag modelhan at lalagyan ng gagawing Letche Flan.

  • Aluminum Foil

    • magsisilbing panakip sa Leche Flan kapag ito ay nasa loob na ng mainit oven

  • Oven

    • Ito ang paglulutuan ng Leche Flan.

  • Kalan at Kawali

    • Dito mamainitan ang asukal upang matunaw at maging caramelized ito.


  • Panghalo at Di-kalahikang mangkok

    • Kailangan ito upang mas mapadali ang proseso at mas maayos ang paghahalo ng mga sangkap.


Mga Sangkap sa Paggawa ng Leche Flan:

  • Isang (1) tasang asukal (yung pula)

  • Tatlong kapat (¾) tasang tubig

  • Labindalawang (12) pula ng itlog

  • Dalawang (2) lata ng gatas na condensada

  • Dalawang (2) lata ng gatas na evaporada

  • Isang (1) kutsarita katas ng dayap

  • Kaunting asin (isang kurot)


Mga Hakbang sa Paggawa ng Leche Flan:

  1.  Kailangang paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog dahil ang pula lang ang kailangan sa leche flan na iluluto.

  2.  Gamit ang isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, kondensada at evaporada.

  3.  Ilagay ang katas ng dayap at haluin ito ng maigi upang maiwasan ang mga bula.

  4.  Maglagay ng kaunting asin.

  5.  Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaan itong lumamig.

  6. Unti-unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may nakabanig na caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.

  7. Maaring lagyan ng takip na aluminum foil ang llanera.

  8. Ilagay sa lutuan na iyong napili at pasingawan ng 35 hanggang apatnapu't limang (45) minuto. Kung sa oven naman, i-bake ng apatnapu’t limang (45) minuto sa init na 370 celsius.

  9. Kapag naluto na, hanguin ito at palamigin sa loob ng refrigerator – huwag sa freezer.

  10. Bago ilipat sa plato, pasadaanan ng kutsilyo ang gilid-gilid ng leche flan upang hindi ito mabiyak.  Ibaliktad ang llanera sa isang plato upang ang bahagi na may caramelized na asukal ang nasa ibabaw. 

  11. Bilang panghuli, maari na itong ihain sa hapagkainan matapos kumain ng maging puno ng tamis at ligaya ang inyong saluhan, tandaan na huwag magpakarami dahil dyabetis naman ang inyo madadali.

Mga Komento

Kilalang Mga Post