Lengua
Kagamitang Kagamitan sa Pagluluto ng Lengua:
Kutsilyo at sangkalan
pag hiwa ng mga sangkap.
Kaserola
Para sa pagpapakuluan ng karne.
Kawali
Para sa paggigisa o pinaka proseso ng pagluluto.
Sandok
Para sa paghalo ng mga sangkap at pagsalok dito.
Platito at mangko
para sa indibidwal na lalagyanan ng mga nahiwang sangkap.
Malaking plato
Para sa paghahain ng nalutong putahe.
Sangkap sa pagluluto ng Lengua:
tatlong (3) libra ng dila ng baka
Isang (1) piraso Knorr Beef Cube
labinlimang (15) onsa ng whole kernel corn
sampung (10) onsa ng condensed mushroom cream
pitong (7) onsa ng all purpose cream
isang (1) piraso sibuyas (tinadtad)
pitong (7) ulo ng bawang (tinadtad)
tatlong (3) kutsarang mantikilya
isa’t kalahating (1 ½) tasa ng tubig
tuyong dahon ng laurel
asin at paminta ayon sa panlasa.
Mga Hakbang sa Pagluluto ng Lengua:
Bago ang lahat, Siguraduhing linisin ng mabuti ang karne o dila ng baka. Pakuluan ito sa tubig sa loob ng apatnapu’t limang (45) minuto kasama ang asin, paminta at tuyong dahon ng laurel na magbibigay ng lasa at mabangong amoy nito.
Una, ilagay ang mantikilya sa mainit na kawali at isabay ang tinadtad na bawang habang ito'y natutunaw upang sa gayon ay hindi masusunog ang mantikilya.
Pangalawa, ilagay ang tinadtad na sibuyas at ituloy ang paggigisa hanggang sa ito'y maluto at lumambot.
Pangatlo, ilagay sa katamtamang init ang kawali at isama sa paggisa ang hiniwang lengua o dila ng baka, haluin ito nang haluin upang maging pantay ang pagkakaluto.
Pagkatapos maggisa, ilagay ang isa’t kalahating (1 1/2 )baso ng tubig. Sandali itong haluin. Takpan ang kaserola at hayaang kumulo.
Kapag kumulo na ay ilagay ang knorr beef cube para sa pampalasa nito.Haluin hanggang sa matunaw ang cube.
Timplahan mo na rin ito ng paminta at asin para sa pampadagdag na lasa nito.
Sunod na Ilagay ang labinlimang (15) onsa ng hinimay na mais. Takpan at pakuluin ito muli sa loob ng dalawampung (20) minutos. Sa paraang ito ay mas kakapit ang mga sangkap na nilagay natin sa karne.
Pagkatapos ng dalawampung (20) minuto ay ilagay na ang condensed mushroom cream at ang all purpose cream, haluin itong mabuti. Ang mga sangkap na ito ang magbibigay ng magatas at malapot na lasa dito.
Timplahan ito gamit ang paminta at asin.
Panghuli, hinaan ang apoy at hayaan itong tuluyang maluto sa loob ng sampung (10) minuto.
Sa wakas ay ilagay na ito sa serving plate na may kasamang pagmamahal dahil handang handa na itong ihain sa hapagkainan upang pagsaluhan ng buong pamilya at ng lahat ng inimbeta.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento