Kalderetang Manok
Mga Kagamitan sa Pagluluto ng Kalderetang Manok:
Kutsilyo
panghiwa ng mga sangkap.
Sangkalan
dito hiwain ang mga sangkap.
Kawali
ito ang lulutuan ng kalderetang manok.
Sandok
gagamiting pang-gisa, panghalo at pangkuha ng ulam mula sa lutuan.
Abrilata (can opener)
gagamiting pambukas ng mga delatang sangkap katulad ng liver spread.
Pang-gadgad
gagamiting pang-gadgad ng keso.
Pinggan o kahit anong lalagyan
dito ilalagay ang mga hiniwang sangkap at ang nalutong kalderetang manok.
Mga Sangkap sa Pagluluto ng Kalderetang Manok:
tatlong (3) kilong manok
isang (1) ulong bawang
dalawang (2) pirasong sibuyas
5oo gramo ng tomato sauce
260 gramo ng liver spread
tatlong (3) pirasong patatas
dalawang (2) pirasong karot
dalawang (2) pirasong bell pepper
isang (1) box ng eden cheese
isang (1) sachet ng msg (vetsin)
isang (1) sachet ng magic sarap
limang (5) pirasong siling labuyo (depende sa kung gaano kaanghang ang gusto mo)
isang (1) kutsaritang paminta
dalawang (2) kutsarang patis (depende sa panlasa)
asin (depende sa panlasa)
tatlong (3) kutsarang mantika
⅓ tasa ng suka
isang (1) tasang tubig
Mga Hakbang sa Pagluluto ng Kalderetang Manok:
Una, hiwain muna ang sibuyas, bawang, at sili at saka hiwain naman ng pang serving size ang karot, patatas, bell pepper, at ang manok.
Ikalawa, sa isang kawali mag-init ng mantika at iprito ang patatas at karot hanggang sa maluto. Isantabi muna.
Ikatlo, gamitin muli ang kawali at mag-gisa naman ng bawang at sibuyas hanggang ito ay bumango.
Sunod, idagdag ang manok at halu-haluin kasama ng ginisang bawang at sibuyas. Hayaan itong maluto nang bahagya sa loob ng limang (5) minuto.
Pagkatapos, idagdag naman ang suka, bell pepper, at tomato sauce. Pakuluin ito gamit ang katamtamang apoy.
Sumunod, magdagdag ng isang tasang tubig at haluin mabuti. Hayaan itong kumulo hanggang sa maluto ang manok sa loob ng tatlumpung (30) minuto gamit ang pinakamababang apoy.
Pagkatapos, ilagay na ang liver spread para lumapot ang sabaw.
At idagdag naman ang patatas at karot. Haluin at hayaan itong kumulo sa mahinang apoy ng limang(5) minuto hanggang sa maluto ang patatas at karot.
Panghuli, timplahan ng patis, paminta, asin, vetsin, magic sarap at maglagay ng siling labuyo at pakuluin ulit sa loob ng limang (5) minuto. Pagkatapos idagdag na ang ginadgad na keso.
Sa wakas, maaari ng ihain o pagsalu-saluhan ang nilutong kalderetang manok.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento