Four Season o Sipo egg
Mga Kagamitan sa Pagluluto ng Four Season / Sipo Egg:
Kaserola
Dito ilalaga ang itlog ng pugo.
Kutsilyo at sangkalan
gagamiting panghiwa sa mga sangkap na lulutuin
Sandok
gagamiting panggisa at panghalo sa pagluluto
Kawali
dito lulutuin ang putaheng four season o sepon egg.
Mga mangkok o plato
gagamiting lalagyan ng hiniwang sangkap
lalagyan na rin na mailulutong Sipo Egg
Mga Sangkap sa Pagluluto ng Four Season / Sipo Egg:
(18)Labing walong piraso ng nilagang itlog ng pugo
(3) tatlong kutsarang mantikilya
(1) 1 tasang ham o luncheon meat (hiniwa sa maliliit na kwadrado)
(1) isang sibuyas (hiniwa-hiwa)
(2) dalawang butil ng bawang (tinadtad)
(2) dalawang malaking karots (hiniwa sa maliliit na kwadrado)
(1) isang malaking singkamas (hiniwa sa maliit na kwadrado)
(1/2) kalahating tasa ng tubig
(1) isang tasang hinimay na mais
(1) isang tasang green peas
250ml ng all-purpose cream
150ml ng gatas na evaporada
Asin at paminta para sa pampalasa
Mga maaring idagdag na sahog:
-mushrooms
-hipon
Mga Hakbang sa Pagluluto ng Four Season / Sipo Egg
1. Sa pinainit na kawali, tunawin ang tatlong kutsarang mantikilya pagkatapos ay igisa ang tinadtad na bawang at hiniwang sibuyas hanggang sa umamoy ang aroma ng bawang at maging malambot ang sibuyas.
2. Kasunod na ilagay ang hiniwang ham o luncheon meat, haluin sa loob ng isang (1) minuto.
3. Pagkatapos ay sunod na ilagay ang hiniwang singkamas at haluin muli nang isang minuto.
4. Pagkalipas ng isang minuto ay ilagay ang kalahating tasa ng tubig at haluin at pakuluin sa mahinang apoy nang (3) tatlong minuto hanggang sa lumambot ang singkamas.
5. Pagkatapos nang tatlong minuto ay sabay na ilagay ang karots, green peas, at ang mais saka ito haluin.
6. Budburan ng kaunting paminta at isang kutsaritang asin, muli itong haluin sa loob ng isang minuto.
7. Sunod na ilagay ang evaporada at ang all-purpose cream. Haluin itong muli.
8. Pagkatapos haluin ay ilagay ang (1) isang knorr pork cubes,itoy tunawin at pakuluin sa mahinang apoy nang (3) tatlong minuto o hanggang sa maging malapot ang sabaw.
9. Panghuli, ilagay ang nilagang itlog ng pugo at saka haluin ng isang minuto.
10. Sa wakas, maaari ng ihain ang nilutong sepo egg o kung tawagin ay four season.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento